Lunes, Agosto 22, 2011

May halaga pa ba ang pagsusulat

             Ano nga ba ang halaga ng pagsulat sa buhay natin ngayon!marahil may mga taong sadyang limot na at di alam ang kahalagahan ng pagsulat at ito'y walang kwentang bagay lamang na di dapat pinagaaksayahan ng panahon.
             Mali ang akala nila dahil di ba nila naisip dahil dito mayroon tayong mga balita at mahahalagang impomasyon na nababasa sa mga dyaryu at magasin, dahil rin dito nanatiling buhay ang kultura ng mga pilipino tulad na lamang ng kasaysayan ng ating bansa tungkol sa pananakop ng mga dayuhan na umalipin at sumupil sa ating mga karapatan, sa pagsulat nabatid natin ang kagitingan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay dahil sa pagtatanggol sa ating bayan kung walang nasulat na tala ay paano natin malalaman ang mga ito di ba't dahil dito hindi pa rin nababaon sa limot ang mga mahahalagang kasaysayan ng ating bansa.
             Hindi lamang sa pagsasalita naipapahiwatig ng isang tao ang kanyang saloobin at mga bagay na nais niyang ipabatid kundi sa pamamagitan din ng pagsulat,nagiging malapit ang mga tao sa pamamagitan ng pagsususlatan inaalam ang kalagayan at mga nangyayari kahit na sa malayong lugar pa. kahit marami ng teknolohiya ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon  gayun pa man hindi pa rin natin maiwaglit at maisawalang bahala ang mga gawing ito..
             Sa pagsulat hindi naman kailangan ang marami kang alam, ang importante ito'y bukal sa loob natin.lahat naman tayo ay may kanya-kanyang opinyun, layunin.damdamin at emosyon sa pagsusulat dahil lahat tayo ay may taglay na kaalaman, mga natatagong talino at abilidad, kung kaya't itoy hindi dapat inaaksaya bagkus ay ginagamit.

4 (na) komento:

  1. nice blog...
    maganda ang nilalaman...
    tama napakahalaga ng pagsusulat.

    TumugonBurahin
  2. oO nga naman...kung talagang susuriin nating mabuti mas maiintindihan natin ang kahalagahan ng pagsusulat sa ating lahat...sapagkat nagagamit natin ito sa pakikipag-ugnayan natin sa iba at ito rin ay nagagamit natin upang lalo pang malinang ang ating kakayahan sa pakikipagkapwa.

    TumugonBurahin